chapter 4- ang katotohanan
"Micoy, Tina. anak ko nga pala si Carla. Carla say hello to tito Micoy and tita Tina"
"hello tita Tina, hello tito Micoy"
"may baby ka na pala, sinong tatay?"
"let's talk about it some other time, we have to go. nice meeting you Tina, re-schedula na lang natin to ah. ung anak ko kasi eh.. sorry ha"
"dibale it's okay mas importante yang baby mo!. sige ingat kau
..gabi na pero hindi pa rin makatulog si michael, dahil nanatili pa ring palaisipan sa kanya kung sino ang talagang ama ni carla, kaya naman naisipan niang itext si niña..
[hi! still up?]
[yup. why?]
[uhm can we meet? just want to clear things hindi kasi talaga ako mapalagay]
[huh? ngayon? are you crazy? 1am na, anu ka ba micoy ipagpabukas mo na kung ano man yang iniisip mo]
[please! if you want ill pick you up in your place]
[no need. just meet me up sa may labas ng village para di hassle pag uwi ko]
[okay thank you]
..sa may 7'11
"oh anong atin, grabe tong trip mo ha di ko carry, madaling araw pa"
"gusto ko lang malaman kung sino ang tatay ni Carla? ano talaga ang rason ng pag-alis mo nuon?"
"hindi na mahalaga yon napalaki ko naman siya ng maayos, alam rin ng anak ko na patay na ang kanyang ama. Kaya hindi na siya naghahanap pa ng tatay ngayon"
"patay na o pinatay mo lang sa isip ng anak ko? puwede ba mag-sabi ka nga ng totoo"
"gusto mo talagang malamang ang totoo? sige.. umalis ako nuon papuntang new york hindi lang para ipagpatuloy ang pag-aaral ko kung hindi dahil buntis ako.. oo micoy buntis ako sayo, at si Carla un, gusto kong lumayo dito dahil na rin sa takot na ipakasal ako ng mga magulang ko sayo hindi pa ako handa sa buhay may asawa kaya hinarap ko yung responsibilidad kahit na mag-isa lang ako. Ang ate ko lang ang nakaka alam ng tungkol dito, alam ng mga magulang ko adopted child ko si Carla. ayaw ko na rin makagulo sayo ngayon pa na mayroon ka ng bagong girlfriend. Ayaw kong makagulo"
"pero hindi ko puwedeng takbuhan ang responsibilidad ko sa anak na'tin"
"Ok lang kami Micoy. sapat na ang sweldo ko para tustusan ang pangangailangan namin mag-ina. Wag mo kaming intindihin"
"Hindi lang naman yon eh. Ayaw ko lumaki ang anak na'tin na hindi man lang niya nararanasan kung paano mahalin ng isang ama. Pangangatawanan ko ang anak na'tin, Kakausapin ko ang mga magulang mo sasabihin natin ang totoo at papakasalan kita"
"Micoy hindi mo kelangan gawin yun, isa pa hindi ako bumalik dito para duon, at papaano na si Christina?"
"Ipapaliwanag ko sa kanya ang lahat siguro maiintindihan niya ko kung bakit ko gagawin to. Mahal ko siya pero mahal ko rin kayo ng anak ko. Sige aalis na ko at bukas na bukas rin kakausapin ko na si Christina
..agad na tumayo si michael..
"Micoy. teka!"
..pero hindi na pinakinggan ni michael si niña...
Sunday, November 29, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
michael's decision is unfair to everybody involved.. it doesn't justify leaving christina just because he found out that he has a child with his former girlfriend..
ReplyDeleteyeah.. it's really unfair..
ReplyDeleteby the way, i like all of your post.. nice one.. keep it up! God bless!