chapter 2:
+greenbelt [the breakup]+
.,sorry kanina ka pa ba dito? hindi ko kasi mahanap ung sinasabi ng pinsan
kong damit na gusto niya eh, iba na nga lang binili ko..
.,hindi naman halos kakarating ko lang rin, ito na ung notebook
.,ayun. thank you ha, san na punta mo niyan ngayon?
.,ako? baka magikot ikot na muna ako sayang naman pinunta ko dito kung aalis
rin ako kagad, ikaw?
.,kakain muna ako bago ako umuwi 2pm na pala hindi ko namalayan sa
kakahanap ko ng damit.
.,ah ganun ba? o tara sabay na tayo kakain na rin ako tutal ng sandwich lang
naman ako kanina eh parang gutom na rin ako
.,sige
[nung araw na iyong sobrang nakilala ko ng husto si irene isang araw lang
kami nagkasama pero parang ang dami ko ng alam sa kanya, sobrang mabait kausap
at sobrang masaya kasama]
+school canteen lunch time+
.,bro kamusta si irene? hindi ko siya nakikita this past few days eh, tapos hindi rin
nag-rereply sa text ko
.,hindi mo pa ba alam yung balita? nag-break na kasi sila ng long time boyfriend niya
8yrs na sila, umuwi ung boyfriend niya galing singapore ayun may ibang papakasalan,
nadepressed ng sobra si irene kawawa naman tuloy
.,amp, ganon ba? asan na ngayon ung boyfriend niang yun tigas ng mukha ha, umuwi pa
talaga
.,hindi ko alam pre
.,alam mo ba kung saan nakatira si irene, pupuntahan ko mangangamusta lang
.,hindi ko alam ung exact eh pero itatanong ko dun sa isang kaclose namin na girl
.,sige
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment