Wednesday, February 10, 2010

gula gulanit kong puso :('

.,kahit minsan hindi ko naisip na nakakapagod kang mahalin buong buhay ko sayo lang umikot ang mundo ko. walang halaga sa akin ang sasabihin ng iba basta ang gusto ko lang ikaw ung buong ikaw pero hanggang kailan ako magiging ganito? hanggang kailan ako magtitiis?hanggang kailan ako maghihintay sa mga pangako mong hindi ko alam kung saan patungo..

yan ang mga tanong na paulit ulit lamang sa aking isipan. sana dinggin mo ang puso ko ang puso kong walang ibang sinisigaw kundi ang pangalan mo lamang, mga mata na tanging ikaw lamang ang nakikita..


just put me off the edge ung sobra para wala na akong maramdaman ni kahit katiting man lamang napapagod nakong makaramdam..

ang depresyon ang bumabalot sa aking katawan

sinubukan kong itigil ang ganitong gawain pero nang umalis ka ang sugat na iniwan mo ang tanging bagay na alam ko. bagay na hindi ko maialis kahit ano man ang aking gawin.

maaring hindi na ako magiging katulad ng dati
maaring hindi ko na siya makilala ulit
maari rin na hindi ko na kilala kung sino ako ngayon
malayong malayo sa kahapon..

ito ang panahon para pulutin ang pira pirasong puso at lumayo sa mundong minsan nagbigay liwanag sa puso kong puro kadiliman ang nakita
ngayon ako'y kakampay ulit sa kadiliman sapagkat dito sa lugar na ito walang makakita sa puso kong nagdurugo dahil natapos na ang buhay ko, ang buhay ko kapiling ka.