Sunday, November 29, 2009

.,letting go chapter5

chapter 5- the break up

"baby kain na tayo, saka may kailangan tayong pagusapan after"

"okay baby"

"hindi ko alam san ako magsisimula, panu ba to? nagkita kami kagabi ni niña. Pinagusapan namin ung tungkol kay Carla. bhie ako ang tatay ni Carla, buntis siya sa akin nung umalis siya papuntang New York. Hindi niya pinaalam sa akin at sa mga magulang niya ang kalagayan niya sa takot na baka ipakasal kami"

"Ano? at bakit mo sa akin sinasabi ang mga bagay na to? Ano binabalak mo?"

"gusto kong panagutan ang responsibilidad ko sa kanya kakausapin ko ang mga magulang niya at papakasalan ko siya"

"baby ano ba yang sinasabi mo, are you breaking up with me?paano naman ako? paano na tayo?"

"intindihin mo naman ako, gusto ko lang maayos pagkakamali ko"

"hindi kita maintindihan at kahit kelan hindi ko magagawang intindihan ka. yan ang decisyon mo, okay sige tapos na tayo. sana maging masaya kayo"

..umuwi akong matamlay napansin yun ng ate ko paguwi ko ng bahay..

"shobe ok ka lang?"

"ganito pala ung feeling ung tinatawag nilang real love hurts akala ko hindi mangyayari un sakin dahil akala ko c michael na ang una at lalaking mamahalin ko"

"ha? bakit ano ba nangyari sanyo ni michael?"

"wala na kami ate, umuwi galing New York ung ex niya ngayon lang niya nalaman na may anak pala sila, gusto niya daw panagutan yun"

"ganun? bakit puwede naman niyang panagutan yun kahit kayo ha"

"hindi ko alam ate, pero wala nako magagawa nakapagdecisyon na siya"

"hay. ganyan talaga. siguro nga hindi kayo ang para sa isat- isa ni Michael. May mga pangyayari sa buhay natin na minsan kailangan nating mamili at ang masakit pa laging kailangan ay may nasasaktan. Yun talaga ang true essence ng love. Tama ka real love hurts hindi lang dahil una mong naging boyfriend si michael, hindi rin dahil una mo siya minahal kung hindi dahil nagmahal ka lang ng totoo. Pero ganun pa man kailangan maging matatag ka pa rin.

.,letting go chapter4

chapter 4- ang katotohanan

"Micoy, Tina. anak ko nga pala si Carla. Carla say hello to tito Micoy and tita Tina"
"hello tita Tina, hello tito Micoy"
"may baby ka na pala, sinong tatay?"
"let's talk about it some other time, we have to go. nice meeting you Tina, re-schedula na lang natin to ah. ung anak ko kasi eh.. sorry ha"
"dibale it's okay mas importante yang baby mo!. sige ingat kau


..gabi na pero hindi pa rin makatulog si michael, dahil nanatili pa ring palaisipan sa kanya kung sino ang talagang ama ni carla, kaya naman naisipan niang itext si niña..

[hi! still up?]
[yup. why?]
[uhm can we meet? just want to clear things hindi kasi talaga ako mapalagay]
[huh? ngayon? are you crazy? 1am na, anu ka ba micoy ipagpabukas mo na kung ano man yang iniisip mo]
[please! if you want ill pick you up in your place]
[no need. just meet me up sa may labas ng village para di hassle pag uwi ko]
[okay thank you]

..sa may 7'11

"oh anong atin, grabe tong trip mo ha di ko carry, madaling araw pa"
"gusto ko lang malaman kung sino ang tatay ni Carla? ano talaga ang rason ng pag-alis mo nuon?"
"hindi na mahalaga yon napalaki ko naman siya ng maayos, alam rin ng anak ko na patay na ang kanyang ama. Kaya hindi na siya naghahanap pa ng tatay ngayon"
"patay na o pinatay mo lang sa isip ng anak ko? puwede ba mag-sabi ka nga ng totoo"
"gusto mo talagang malamang ang totoo? sige.. umalis ako nuon papuntang new york hindi lang para ipagpatuloy ang pag-aaral ko kung hindi dahil buntis ako.. oo micoy buntis ako sayo, at si Carla un, gusto kong lumayo dito dahil na rin sa takot na ipakasal ako ng mga magulang ko sayo hindi pa ako handa sa buhay may asawa kaya hinarap ko yung responsibilidad kahit na mag-isa lang ako. Ang ate ko lang ang nakaka alam ng tungkol dito, alam ng mga magulang ko adopted child ko si Carla. ayaw ko na rin makagulo sayo ngayon pa na mayroon ka ng bagong girlfriend. Ayaw kong makagulo"

"pero hindi ko puwedeng takbuhan ang responsibilidad ko sa anak na'tin"
"Ok lang kami Micoy. sapat na ang sweldo ko para tustusan ang pangangailangan namin mag-ina. Wag mo kaming intindihin"
"Hindi lang naman yon eh. Ayaw ko lumaki ang anak na'tin na hindi man lang niya nararanasan kung paano mahalin ng isang ama. Pangangatawanan ko ang anak na'tin, Kakausapin ko ang mga magulang mo sasabihin natin ang totoo at papakasalan kita"
"Micoy hindi mo kelangan gawin yun, isa pa hindi ako bumalik dito para duon, at papaano na si Christina?"
"Ipapaliwanag ko sa kanya ang lahat siguro maiintindihan niya ko kung bakit ko gagawin to. Mahal ko siya pero mahal ko rin kayo ng anak ko. Sige aalis na ko at bukas na bukas rin kakausapin ko na si Christina

..agad na tumayo si michael..

"Micoy. teka!"

..pero hindi na pinakinggan ni michael si niña...

.,letting go chapter3

chapter 3 - the meeting

..sinundo na ako ni michael sa bahay..

"hi baby, tara na ba?"
"okay! nandon naba siya?"
"hindi ko alam eh , pero kung wala pa siya eh di arcade muna tayo"
"ikaw talaga puro ka arcade"

..sabay kame nagtawanan mahilig kasi mag arcade si michael..

{sa megamall}

"kanina ka pa?"
"ah medyo!. pero okay lang namili muna rin ako ng gamit para sa bahay"
"anyway niña meet my girlfriend christina"
"hello niña. nice meeting you!"
"hi! tina na lang ha para maikli lang..haha"
"naku baby, ganyan talaga yan mahilig mag-imbento ng pangalan"

..at nagtawanan na kami. masaya naman rin kasama si niña kahit may kaya ang pamilya hindi siya maarte katulad ng iba"

"tara san niyo gusto kumain my treat"
"kahit saan ayos lang naman sa amin"
"okay dun tayo sa favorite namin kainan ng ate ko"

"so what keep you busy?"
"ako? uhm well nandito ako for work 1 year lang naman, kasi nagtayo ng branch dito ung boss ko, im assigned to managed it pressured nga lang sa part ko. pero ayos lang carry pa naman. kayo? when's the wedding? Hoy Micoy invited ako ha kahit nsa New York ako uuwi ako for you guys!"
"wala pang plans for now kasi alam mo naman nag-aaral pa kami pero soon na yun for sure, pag-pplanuhan namin after school"
"oh! but wait! i haven't heard about your lovelife. sa ganda mong yan impossible walang boyfriend, Who's the lucky guy?"
"haha! honestly wala talaga.. oops excuse me"

..bigla kasing nag-ring ang cellphone ni niña ang ate niya pla si joy"

"hello ate bakit?"
"umiiyak si carla, hinahanap ka ang kulit di ko mapatahan nandito kami sa megamall sa toy kingdom, asan ka ba?"
"nandito rin sa megamall sa may dads"

..binaba na ng ate niya ung telepono, maya maya ay dumating na ang ate niya, nagulat kami ni michael sa aming narinig..

"mama, i want the barbie doll i saw at the toy kingdom, can you buy me one?"

..si niña may anak na? pero sino ang tatay?"

.,letting go chapter2

chapter 2 - the ex

..papunta na ng school si michael abala siya sa pagddrive mabilis ang pagddrive nia dahil malelate na siya sa history class, sa pagmamadali niya hindi niya napansin na nakahinto na pala ang stoplight nadaplisan nia tuloy ang nasa unahang kotse na honda civic, nakita niang bumaba ang babaeng may ari ata ng kotse nabunggo nia..

"shit, kung kelan nagmamadali saka naman ako mapeperwisyo"

..bumaba na rin si michael sa kanyang kotse upang aregluhin kung ano mang danyos ang kanyang nagawa sa kotse ng nabunggo"

"MICOY? ikaw na ba yan?hey how are you? I miss you" (si niña lamang ang tumatawag sa kanya ng micoy, kaya naman laking gulat nia ng marinig nia ulit ito mula sa bibig ng dating kasintahan, oo dating kasintahan si niña ang kanyang first love)

"uy ayos lang naman ito graduating na sa Letran Bs. Accountancy ang tinake up ko don. Kelan kapa umuwi, akala ko ba for good ka na sa New York?"
"nagopen kasi ng branch dito ung boss ko, tapos ayun ako inassign para mag handle habang nagsisimula pa lamang, kaya dito muna ko for 1 year rin siguro, Teka bakit Letran? hindi mo tinuloy ang medicine field mo sa UST?"
"hindi, marami kasi akong malulungkot na alaala sa lugar na iyon, gusto ko kasing magsimula sa umpisa kaya ako lumipat"

..biglang nagring ang cellphone ni niña, ang kanyang boss may meeting pala sila..

"hello sir, good pm, yes i'm on my way.. i'll be there in 15mins.okay bye
hey micoy i need to go na,, tawagan na lang ah, un pa rin ba number mo?"
"hindi na eh, nawala kasi ung phone ko dati"
"a ok!. anyway here's my calling card nandyan ung number ko and kung san ako nagwowork ngayon you can drop by anytime if you have time. see you around micoy"

..hindi pa rin makapaniwala sa michael na nandito na muli si niña..

"baby late ka ah, pinadismiss na kame kagad ni sir asis kasi may meeting daw siya"
"ganun ba? nalate kasi ako ng gising, tapos nagka aberya pa sa daan"

..hindi rin alam ni michael kung dapat ba niang sabihin kay christina kung sino ang kanyang nakita"

"lunch time ba baby kain na tayo, para makapag review pa tayo kelangan mataas makuha natin ngayong finals"
"sige, tara kain na tayo!"

.,nag ring ang cellphone ni michael, unregistered number.

"baby cno yan?"
"hindi ko alam unregistered number ang lumalabas"
"sagutin mo baka importante yan"

..agad sinagot ni michael ang tawag..

"micoy! tara kain tayo, kakatapos lang ng meeting namin, dun tayo ulit sa dati. kinuha ko kay dominic number mo nakachat ko kasi siya kanina.

..si ñina pala ang tumawag, wala akong kamalay malay na siya pala ang tumawag"

"hindi ata ako pwede ngaun kumakain na kc kami ni christina"
"christina?"
"ah girlfriend ko"
"really? i should meet her one of these days ah, date tayong tatlo"
"yep! 4 years na kme, sige sasabihin ko sa kanya. bye!
"okay bye!. see yah soon

..agad pumunta si michael kay christina at sinabi ang tungkol sa napagusapan nila ni ñina..

"baby diba wala naman tayong gagawin bukas, gusto ka kasi makilala ni niña"
"sino si niña baby?"
"ung ex ko baby!. umuwi na siya galing New York nagkasalubong kami nung minsan sa daan habang papunta ako dito sa school, so ok lang ba sau mameet siya?"
"ganun ba?. oo naman ayos lang un sa akin"
"thank u baby!"

..agad tinext ni michael si niña..

[ hi gud pm! pumayag na si christina magmeet kayo, bukas na lang siguro san mo ba gusto? ]
[cool!. mga 2pm na lang bukas may gagawin pa kasi ako sa umaga, sa megamall na lang, malapit sa ice skating ring, text text na lang bukas]
[okay! cge]