Saturday, May 1, 2010

Selos

ano nga ba ang "SELOS"? panu ito nararamdaman? panu mo masasabing nagseselos ka?

Maraming klase ng selos, nanjan ung selos sa kapatid, dahil may kahati na sa attention ng magulang.

nanjan naman ang selos sa magkasintahan, sa isang relasyon ito yung hindi mo maiiwasan, at kung minsan marami nagsasabi na kapag sobrang selos ang umiral ay nakakasakal na. Pero ang hindi naman maintindihan ng iba ay parte na ito ng isang relasyon kung tunay kayong nagmamahal, isa rin ito sa paraan para malaman mong mahal ka talaga ng iyong kapareha.

meron din naman na selos ng mga magulang lalo na kung nagkaroon na ng nobyo/nobya ang anak.

pero sa kabila ng lahat, sa kabila ng pagiging seloso/selosa ng isang tao. Isa lang naman ang mapapatunayan nito. na tunay tayong nagmamahal. na ayaw nating mawala ang ating minamahal kaya nakakaramdam tayo nito. pero ganun pa man parating isipin na hindi rin masyadong tama kung parating selos ang papairalin kelangan mas mangibabaw ang love at trust :)

No comments:

Post a Comment