Isang salitang napaka hiwaga at sa tingin ko ito ay patuloy na magiging mahiwaga. Napakaraming gamot sa mga ibat ibang klaseng sakit sa mundo, pero sa larangan ng pag-ibig wala pang nakakatuklas ng angkop na gamot pag tayo ay nasaktan.
Minsan kelangan mong masaktan para malaman mong "ohh ito na pala ung love" pero bakit kelangan parating ganun hindi ba maaring magmahal na lang, magmamahal ako, mamahalin ko siya dahil mahal ko siya. Sadyang mahiwaga talaga ang pag-ibig hindi mo alam kung alin o anu ba talaga ang nararapat na paliwanag dito.
Mahirap rin kalimutan ang isang tao na minahal mo ng sobra. Mahirap. Sobrang hirap. Para kang nalagasan ng isang bahagi ng iyong katawan yung bang isang parte dito ay nawala na. Kaya't hindi na gagana ng tama. Kaya walang karapatan ang sinuman na sisihin ang isang tao na muling tanggapin ang taong dating nangiwan sa kanya dahil wagas na pagibig pa rin ang magwawagi na handang magsakripisyo para lamang sa larangan ng pagibig.
Bitter? yan ang isang salita parati mong maririnig sa isang taong kakagaling lang sa isang masalimuot na break-up. Sa totoo lang hindi naman sila bitter maaring gusto lang nila muna ng espasyo, espasyo para makapag-isip isip rin. Maari rin na nahihirapan silang tanggapin na wala na ung taong dating nagpasaya at nagbigay kulay sa kanyang buhay.
Sabi nila ang bawat tao ay may kanya kanyang freedom of choice, karapatang pumili ika nga pero kung karapatan kong mahalin ang taong mahal ko at meron din siya karapatan na huwag akong mahalin. Para saan pa kaya yung karapatan ko kung depende rin naman pala ito sa karapatan ng iba?
Ang pag-ibig ay hindi namimili kung sino ang dapat mahalin o kung tama ba na mahalin mo siya. Ang mahalaga ay nagkakaunawaan kayo. Marunong kayong magpahalaga sa bawat nararamdaman ng bawat isa. Hindi rin masama ang maghintay sa mahal mo dahil tayo lang lamang ang nakaka alam ng kung ano o sino ang makakapagpaligaya sa atin.
Love is unconditional hindi mo kailangan na magtimbang kung sino ang mas nagmamahal sa isa. Hindi mahalaga kung mas mahal mo siya o mas mahal ka nia, dahil kung parati kang magtitimbang walang mangyayari sa isang relasyon at sa huli dahil sa pag-aatim mong gusto mo maging lamang ang pagmamahal ng kapareha mo ang mangyayari ay lilipat at lilipat ka rin walang katapusan ang iyong paghahanap sa tunay na pag-ibig. Ang totoong esensya ng pagibig ay ang pagiging kuntento sa kung ano lang ang kayang ibigay ng iyong minamahal. Maging masaya ka dahil nandyan siya para sayo. At nagmamahalan kayo. ^_^
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Lahat tayoy may karapatang pumili - pumili kung sino ang dapat mahalin at hindi. Sabi nga nila diba falling in love is by choice pero staying in love is a decision.
ReplyDeleteDun naman sa pagmamahal ng higit sa kapartner mo - ang issue lang naman dun is kung sino kasi ang mas nagmamahal, sya ang mas nasasaktan. :(
sbrang emo nga hahaha
ReplyDeletemy experience ka ba related dyn? pero mgnda xa